Kaugnay nito, aapela ang Pilipinas sa International Court of Justice para makapanghimasok sila sa hidwaan ng Malaysia at Indonesia.
Ang Litigan-Sipadan ay malapit lang sa Sabah, ang isla na pinag-aagawan naman ng Pilipinas at ng Malaysia.
Ilang oras lang itong matatawid sa dagat mula sa Tawi-Tawi, Zamboanga o Sulu.
Isang mataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs ang nagsabing hihilingin nilang payagang makialam ang Pilipinas dahil maaaring maapektuhan ng magiging desisyon ng ICJ sa away ng Malaysia at Indonesia ang pag-aangkin ng Pilipinas sa Sabah. (Ulat ni Rose Tamayo)