Dagdag-bawas mauulit

Nagbabala kahapon si dating Bulacan Governor Roberto Pagdanganan na posibleng maulit ang kinatatakutang Dagdag-Bawas sakaling hindi pahintulutan ang special registration para sa apat na milyong kabataang itinuturing na first time voter. Si Pagdanganan na isa sa senatorial candi date ng People Power Coalition ay nagsabing posibleng samantalahin ng ilang tusong pulitiko ang nalalapit na halalan lalo’t lantaran ang ginagawang pagpigil nila sa kahilingan sa panibagong registrasyon.

"Isa rin ako sa biktima ng dagdag-bawas noon at naniniwala akong ang hindi pagkatig sa special registration ay para na ring pagpabor sa maanomalyang dagdag-bawas. Sana naman makinig ang Commission on Elections dito," sabi pa ni Pagdanganan. Inihayag naman kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Avelino Cruz na isasampa nila ni Solicitor General Simeon Marcelo sa Supreme Court ang isang petisyon na hihiling na atasan ang Comelec na magdaos ng special registration.

Nilinaw din ni Executive Secretary Renato de Villa na hindi naman pinipilit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagdaraos ng rehistrasyon kung makakaantala ito sa eleksyon. Nais lang ng Pangulo na huwag mawalan ng karapatang bumoto ang mga kabataan. Kasabay nito, nakipagpulong sina Senate President Aquilino Pimentel at House Speaker Feliciano Belmonte kay Comelec Chairman Alfredo Benipayo para pag-usapan ang rehistrasyon. Inaasahan ding magdaraos ng special session sa Marso 19-20 ang Kongreso para sa pagpapalista ng apat na milyong kaba- taang nabigong magparehistro sa Comelec noong Dis- yembre. Sinabi naman ni dating Speaker Manuel Villar na, noong Abril 11-12, 1987, nagawang makapagdaos ng rehistrasyon kahit isang buwan na lang bago magdaos ng halalan nang taong iyon. Binanggit niya ang ruling ng Comelec na maaari itong magtakda ng ibang petsa para sa mga pre-election activities para hindi makapagkaitang bumoto ang mamamayan. (Lilia Tolentino, Ely Saludar at Jhay Mejias)

Show comments