^

Bansa

Mahabang pila sa passport mababawasan na

-
Wala kang panahong pumila sa Department of Foreign Affairs para maka kuha ka ng bagong passport? I-dial mo lang sa telepono ang mga numerong 737-1000.

Mula ngayon, sinumang Pilipino na magpapa-renew ng passport ay kailangan lang tumawag sa isang courier service provider para hindi na sila makipag siksikan sa mahahabang pila ng libu-libong tao sa labas ng gusali ng DFA sa Pasay City.

Sa DFA Passport Direct, tatawagan lang ng aplikante ang ibinigay na numero kahit saang bahagi ng Pilipinas sila naroroon.

Pagkatapos tawagan ang operator, magpapadala ng isang mensahero o courier ang Teleserv para kunin ang mga kumpletong passport renewal form at ibang dokumento ng aplikante.

Isasaayos ng Teleserv ang mga dokumento bago isumite sa DFA para maiproseso. Sa loob ng may isang linggo, ihahatid ng courier sa aplikante ang bago nitong passport.

Sinumang gagamit sa serbisyo ng Teleserv ay kailangang magbayad ng P1,200 hanggang P550 para sa service fee at P650 para sa passport fee.

Sinabi ng DFA na mas mura ang singil ng Teleserv kumpara ng sa mga travel agencies na walang courier para kumuha sa papeles ng mga aplikante.

Sinabi ni Vice President at DFA Secretary Teofisto Guingona sa isang panayam na mababawasan nang 40 porsiyento ang mahahabang pila sa DFA dahil sa bagong passport renewal dropbox system. Sa kasalukuyan, 3,500 aplikasyon ang pinoproseso ng DFA bawat araw bagaman kalahati nito ay pagpapa-renew lang ng passport.

Gayunman, hindi masisilbihan ng bagong sistema ang mga first time passport applicant dahil kailangan nilang humarap nang personal sa mga processor sa DFA. (Ulat ni Aurea Calica)

vuukle comment

AUREA CALICA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DFA

PARA

PASAY CITY

PASSPORT

PASSPORT DIRECT

SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

TELESERV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with