Reklamo sa 15 bets ibabasura
March 12, 2001 | 12:00am
Malamang ibasura ng Commission on Elections ang reklamo ni Atty. Homobono Adaza hinggil sa paglabag umano ng 15 sa mga kandidatong senador sa probisyon ng Omnibus Election Code o pagkakabit ng mga campaign poster sa mga lugar na hindi sakop ng common poster area.
Sinabi ni Comelec Law Department Chief Atty. Jose Balbuena sa isang panayam na, hanggang sa kasalukuyan, walang maipakitang ebidensya si Adaza na mag- papatunay na lumabag ang 15 kandidato sa batas.
Kabilang sa inireklamo ni Adaza ang mga kandidatong senador na sina Panfilo Lacson, Ricardo Puno, Noli de Castro, Loi Ejercito, Ralph Recto, Roberto Pagdanganan, Orlando Mercado, Liwayway Chato, Ernesto Herrera, Wigberto Tanada, Manny Villar, Frank Drilon at Juan Ponce Enrile. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am