^

Bansa

84 Pinoy peacekeeping force sabak sa East Timor

-
Tumulak kahapon ng umaga ang 84 na miyembro ng Philippine National Police patungong East Timor para maging bahagi ng peacekeeping force roon ng United Nations.

Sila ang ikaanim na grupo na magsisilbi bilang civilian police sa ilalim ng pamamahala ng UN Transitional Administration in East Timor.

Sinabi ni Acting PNP Chief Deputy Director Leandro Mendoza na ang pagpapadala ng mga pulis na Pilipino sa ibang bansa ay isang pagsuporta sa pagpapanatili ng UN sa kapayapaan sa naturang dating teritoryo ng Indonesia.

Pinamumunuan ni Supt. Renato Heredia ang umalis na grupo kahapon na papalit sa 84 katao na naunang ipinadala sa East Timor at takdang bumalik sa bansa pagkaraan ng isang taong pananatili roon. (Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF DEPUTY DIRECTOR LEANDRO MENDOZA

EAST TIMOR

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINO

PINAMUMUNUAN

RENATO HEREDIA

SILA

SINABI

TRANSITIONAL ADMINISTRATION

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with