28 PAOCTF agents sangkot sa Dacer case
March 8, 2001 | 12:00am
May 28 tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na hinati sa apat na grupo ang hinihinala umanong sangkot sa pagdukot at posibleng pagpatay sa public relations executive na si Salvador "Bubby" Dacer at driver niyang si Emmanuel Corbito.
Ito ang ibinunyag kahapon ng isang mataas na opisyal ng pulisya na nagsabi pa na tig-pitong ahente ng PAOCTF ang bumubuo sa bawat isa sa apat na grupo. Sa apat na ito, may mga itinoka sa pagmamanman, pagdukot at pagtapon sa mga biktima bagaman kailangan pa itong patunayan.
Sinabi ng opisyal na may pagkapropesyonal ang ginawang operasyon para hindi malaman ng bawat grupo kung sino ang dumukot o pumatay kay Dacer.
Ipinaliwanag niya na isang grupo ang naniktik sa bahay ni Dacer sa Marigold St., Sun Valley Subdivision, Parañaque City hanggang sa lugar na pupuntahan ng biktima. Ang ikalawang grupo ang sinasabing dumukot sa dalawang biktima at ang pangatlo ang pumatay umano sa mag-amo.
Inamin din ng opisyal na kasama sa apat na grupo ang pitong tauhan ng PAOCTF na naunang ipinatawag ng National Bureau of Investigation kaugnay ng naturang kaso.
Dalawa sa mga bumaril kay Dacer na hawak sa kasalukuyan ng NBI ang nagpahayag ng pagnanais na tumestigo laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am