28 Pinoy kulong sa UAE
March 6, 2001 | 12:00am
May 28 seaman na Pilipino ang kasalukuyang nakakulong sa United Arab Emirates dahil sa kasong estafa na bunsod ng hindi nila pagbabayad ng P100 milyon (8 milyong Dirham) na inutang nila sa isang banko roon.
Nabatid na ang 28 seaman ang ginawang guarantor ng isang Bombay na chief accountant ng pinagtatrabahuhan nilang Gac Marine na si Stanley Pereira nang umutang ito ng naturang halaga sa NBRAK Bank.
Pero, dahil hindi nakabayad si Pereira, ang naturang mga seaman ang pinanagot at ipinakulong ng banko.
Nabatid na nahuli rin ng mga awtoridad ng UAE si Pereira. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest