^

Bansa

Gastos ng mga kandidato sisilipin

-
Takdang itatag ng Commission on Elections ang isang task force na magsusuri sa mga kontribusyong tinatanggap ng mga kandidato at partido pulitikal para sa gastusin nila sa kanilang kampanya sa halalang pambansa at lokal sa Mayo.

Sinabi ni Comelec Commissioner Resurreccion Borra sa isang panayam kahapon na sinang-ayunan ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo ang pagtatatag ng task force.

Maghihigpit anya ngayon ang Comelec sa pagmomonitor sa natatanggap na kontribusyon at gastusin ng mga partido at kandidato.

Sisilipin din ng task force ang mga kontrata ng mga partido at kandidato sa mga imprenta na naglilimbag ng kanilang mga election propaganda.

Isasama rin sa susuriin ang political advertisement sa mga telebisyon, radyo at pahayagan. (Ulat ni Pia Lee-Brago)

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMELEC COMMISSIONER RESURRECCION BORRA

ISASAMA

MAGHIHIGPIT

PIA LEE-BRAGO

SINABI

SISILIPIN

TAKDANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with