MILF rebels binalaan ng OIC
March 5, 2001 | 12:00am
Binalaan kahapon ng Organization of Islamic Countries ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na mawawalan ito ng maraming simpatisador kapag nagpatuloy ito sa panggigiyera at panggugulo sa Mindanao sa kabila ng negosasyong pangkapayapaan na inaalok ng pamahalaang Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni OIC Secretary General Abdul Uoahid Belkeziz sa isang mensahe na pabor sa MILF ang pagsuspinde ng operasyon ng militar laban sa mga rebeldeng Muslin at ang pagbukas muli ng pamahalaan ng usapang pangkapayapaan kaya dapat lang silang tumugon dito nang positibo.
Sa isa namang panayam, sinabi ni MILF Spokesman Eid Kabalu na makikipag-usap sila sa pamahalaan kung ibabalik ang kanilang 46 na kampo sa Mindanao na binawi ng militar noong nakaraang taon. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest