^

Bansa

Bagong anomalya sa Marines nangamoy

-
Isang ghost project ng Marines na ginastusan ng P64.9 milyon ang natuklasan ng Philippine Navy bagaman hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa mga maanomalyang pagbili ng ilang kagamitan ng naturang yunit-militar.

Kabilang ang naturang ghost project sa mga anomalya sa Marines na binanggit ng umalis na si Philippine Navy Flag Officer in Command Rear Admiral Guillermo Wong nang bulyawan niya ang mga opissyal ng Marines sa harap ng mga tauhan nito noong Pebrero 15. Iniimbestigahan na ito ng Office of Ethical Standards for Public Accountability ng Navy.

Tinutukoy dito na proyekto ang pagpapagawa ng bagong himpilan ng Marines sa Ternate, Cavite na binigyan ng pondo at dapat nang nagawa noon pang nakaraang anim na taon pero walang nakitang resulta rito. Kabilang sa proyekto ang pagpapagawa ng mga kalsada, water at drainage system, timber pier at electrical wiring. (Ulat ni Joy Cantos)

CAVITE

COMMAND REAR ADMIRAL GUILLERMO WONG

INIIMBESTIGAHAN

ISANG

JOY CANTOS

KABILANG

OFFICE OF ETHICAL STANDARDS

PHILIPPINE NAVY

PHILIPPINE NAVY FLAG OFFICER

PUBLIC ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with