Sinabi ni OWWA publication and information division officer-in-charge Aniceto Sagana na, kung tutuusin, bumaba ang bilang ng mga nasawing OFW kumpara sa nagdaang apat na taon. Noon anyang 1999, umabot sa mahigit 700 ang mga Pilipinong namatay sa ibang bansa.
Nabatid na umaabot sa 7.5 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong-dagat.
Pero sinabi ni Sagana sa isang panayam na mas maraming namamatay na Pilipino sa Metro Manila dahil sa polusyon kumpara sa mga OFW. May 10 anya hanggang 15 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa polusyon sa Metro Manila. Mas malaki ito kumpara sa dalawang OFW na namamatay sa ibang bansa araw-araw. (Ulat ni Rose Tamayo)