^

Bansa

Ayuda sa namatay na OFWs tiniyak

-
Nilinaw kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration na, sa 613 overseas Filipino worker na namatay sa ibang bansa noong nakaraang taon at iniulat ng Department of Foreign Affairs, 539 lamang ang nasa listahan at nabigyan ng kaukulang tulong ng OWWA.

Sinabi ni OWWA publication and information division officer-in-charge Aniceto Sagana na, kung tutuusin, bumaba ang bilang ng mga nasawing OFW kumpara sa nagdaang apat na taon. Noon anyang 1999, umabot sa mahigit 700 ang mga Pilipinong namatay sa ibang bansa.

Nabatid na umaabot sa 7.5 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong-dagat.

Pero sinabi ni Sagana sa isang panayam na mas maraming namamatay na Pilipino sa Metro Manila dahil sa polusyon kumpara sa mga OFW. May 10 anya hanggang 15 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa polusyon sa Metro Manila. Mas malaki ito kumpara sa dalawang OFW na namamatay sa ibang bansa araw-araw. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANICETO SAGANA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

METRO MANILA

NABATID

NILINAW

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PERO

PILIPINO

PILIPINONG

ROSE TAMAYO

SAGANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with