Rehistrasyon tuluyang ibinasura

Pinal na ang desisyon kamakalawa ng gabi ng Commission on Elections na wala na itong isasagawang bagong special registration para sa mga baguhang botante.

Ipinaliwanag ng Comelec na labag ito sa Omnibus Election Code na nagsasaad na magkakaroon lang ng rehistrasyon 120 araw bago sumapit ang halalan. Sinabi ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo kahapon na 75 araw na lang bago maghalalan.

Binanggit niya na nagsimula noong 1997 at natapos noong Disyembre 27, 2000 ang rehistrasyon para sa mga botante. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments