^

Bansa

Wong pumiyok sa video footage

-
Binatikos kahapon ni dating Navy Chief Rear Admiral Guillermo Wong ang Philippine Marines Corps sa pagsasapubliko ng isang sensitibong video tape na nagpapakita kung paano niya kinastigo ang mga opisyal ng PMC sa harapan mismo ng kaniyang mga tauhan kaugnay ng ginawa niyang pagbubulgar sa anomalya sa pagbili ng mga armas at kagamitan sa nasabing tanggapan.

"Dapat silang managot diyan", pahayag ni Wong hinggil sa nasabing pagpapakita ng PMC sa kontrobersiyal na video tape na nakunan noong Pebrero 15.

Sa nasabing video tape ay kinaladkad ni Wong ang pangalan ni dating PMC Commandant at ngayo’y Senador Rodolfo Biazon na kabilang sa mga nakipag-deal para sa pagbili ng night vision goggles noong nakaraang taon. "That was not supposed to be. Yan pang video na yan ay internal sa amin at hindi dapat ipakita sa publiko", pahayag ni Wong.

Sinabi ni Wong na ipinasapubliko ng Phil. Marines ang nasabing video tape upang magalit sa kaniya si Senador Biazon. "Gusto nilang pagalitin si Senador Biazon para meron silang kakampi laban sa akin", paghihimutok pa ni Wong.

Ipinaliwanag ni Wong na ibig lamang niyang magkaroon ng reporma sa Marines na matagal na niyang pinapangarap pero humantong sa pagkakaalis niya sa serbisyo.

Nilinaw rin ni Wong na hindi niya idinadawit sa anomalya si Biazon at aniya’y nabanggit lamang niya ang pangalan nito sa pagpapalabas ng P10 milyong pork barrel funds para sa pagbili ng night vision goggles. "Hindi ko naman nili-link, kung link ho yung bigay niya, yun ho ang link, nagbigay siya eh, masama ho bang magbigay at tumulong sa amin, yun ho ang link doon", paliwanag pa ni Wong. Gayunman sa transcript ng speech ni Wong na nakuha ng mga mamamahayag sa Phil. Marines ay binanggit nito na dalawang firms na Lemus at Timbol Trading ay may link kay Biazon pero ang deal ay isinasailalim pa sa pag-aaral. Sinabi pa ni Wong na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin kay Senador Biazon dahil ang Phil. Marines ang nagpakalat sa media ng nasabing sensitibong video footage. (Ulat ni Joy Cantos)

BIAZON

JOY CANTOS

NAVY CHIEF REAR ADMIRAL GUILLERMO WONG

PHILIPPINE MARINES CORPS

SENADOR BIAZON

SENADOR RODOLFO BIAZON

SINABI

TIMBOL TRADING

WONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with