Luli, itatalaga sa DFA?

Dinadasalan pa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung dapat niyang italaga sa Department of Foreign Affairs ang anak niyang si Luli na kabilang sa tatlong pumasa sa foreign service examination.

Ang dalawa ay nabigyan na niya ng appointment at tanging naiiwan ang kanyang anak.

Nilinaw din ng Pangulo na walang nilalabag na batas ang kabiyak niyang si First Gentleman Mike Arroyo sa pagboboluntaryo nitong maging abogado ng mga mahihirap na biktima ng krimen dahil wala itong bayad. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments