Ayon sa Pangulo, sinabihan niya si Defensor na hindi niya ito pipigilan kung nais nitong kumandidatong muli sa pagka-kongresista dahil magiging mahusay itong mambabatas.
Ipinaliwanag ng Pangulo na, kung aalis si Defensor sa Gabinete, dahilan dito ang pagkandidato nito at hindi sa dahilang hindi nito puwedeng makatrabaho ang ibang hinirang na opisyal.
Gayunman, sa hiwalay na panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Renato Corona na nagbago na ng desisyon si Defensor at nagpasya itong manatili sa puwesto.
Marami namang mambabatas sa pangunguna ni Speaker Feliciano Belmonte at mga miyembro ng Spice Boys sa House ang nagpapayo kay Defensor na manatili sa Gabinete ng Pangulo. (Ulat nina Lilia Tolentino at Malou Rongalerios)