MILF rebels di pa handa

Sinabi ng Moro Islamic Liberation Front na hindi pa ito handa sa pagsisimula ng usapang pakikipagkapayapaan sa pamahalaan bagaman natanggap na nito ang sulat ng negotiating panel ng administrasyon.

Sinabi ng MILF sa pamamagitan ng isang Atty. Lanang Ali na patuloy pang tinatalakay ng kanilang komite sentral ang negosasyong iniaalok ng pamahalaan kaya hindi pa handa ang grupo na magpadala ng emisaryo sa panimulang pulong. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments