Anomalya sa Marines sisiyasatin

Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes na imbestigahan ang mga anomalya sa Philippine Marines na naunang ibinunyag ni Rear Admiral Guillermo Wong tulad ng pagbili ng mahihinang klase ng kagamitan ng mga sundalo at pagkawala ng ilang armas.

Sinabi naman ni Reyes sa isang pulong-balitaan na iniutos na niya na ilipat sa Ombudsman ang imbestigasyon sa naturang anomalya.

Sinabi ni Reyes na ginawa niya ang hakbang para mapawi ang hinala na tinatangka ng AFP na pagtakpan ang anomalya. (Ulat nina Ely Saludar at Joy Cantos)

Show comments