15 Pinoy dinakip sa Malaysia
February 26, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA - May 15 mangangalakal na Pilipino na iligal na pumasok umano sa karagatang teritoryo ng Malaysia ang inaresto ng mga tauhan ng Navy ng naturang bansa.
Sinasabi ng Malaysian Navy na nasabat ng isang patrol gunboat nito noong Biyernes ang barkong Wish Me Luck na nakarehistro sa Pilipinas.
Inakyat ng Malaysian Navy ang barko at nakumpiska rito ang 19 na basyong tangke ng liquefied petroleum gas, drums at P450,000 cash.
Ikinulong ng mga awtoridad ng Malaysia ang 15 katao kabilang na ang limang tripulante ng naturang barko. Pinabalik sa Pilipinas ang barko samantalang ipapailalim sa deportasyon ang mga Pilipino. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 7 hours ago
By Doris Franche-Borja | 7 hours ago
By Ludy Bermudo | 7 hours ago
Recommended