Sinabi ni Cayetano na, bumaba nang 3,556 ang bilang ng mga patayan noong nakaraang taon kumpara noong 1990. Binanggit niya na 5,735 kaso lang ng mga patayan ang naiulat noong 2,000 samantalang ang taong 1990 ay nakapagrekord ng bilang na 9,291.
"Maaaring nakatulong sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng patayan sa nagdaang 10 taon ang parusang bitay," sabi ni Cayetano na tagapangulo ng justice and human rights committee ng House of Representatives. (Ulat ni Efren Danao)