Mahigit 50 % ng party-list bet ibinasura ng Comelec

Nagsumite ng petisyon ang mahigit sa 50 porsiyento ng party-list candidates makaraang maibasura ng Commission on Elections ang kanilang certificate of candidacy (COD) dahil sa hindi nakapasa ang mga ito sa mga alituntunin ng komisyon.

Ayon sa Comelec, may 200 partido ng party-list ang nakapagsumite ng COC at magpapatuloy pa hanggang Marso 30 ngunit kalahati na sa bilang nito ang isinaisantabi ng komisyon dahil sa kakulangan ng kredensyal.

Bunsod nito ay nagsumite ng petisyon ang mga nasabing grupo upang magbakasakaling mapasama sa nalalapit na nasyonal at lokal na eleksyon sa Mayo 14. Kasabay nito, hindi umano magtatagumpay si dating Pangulong Joseph Estrada sa paglalagay nito ng kaalyado sa House of Representatives sa pamamagitan ng party-list sectors.

Ayon kay Vic del Fierro Jr., presidente ng Coalition 349, isa sa mga anti-Erap party-list groups at miyembro ng KOMPIL II, sigurado silang matatalo nila ang mga party-list na ilalaban ni Estrada sa Kongreso kahit marami pa itong pondo. (Ulat nina Jhay Mejias at Malou Rongalerios)

Show comments