"Vote-buying di-maiiwasan" - Borra
February 25, 2001 | 12:00am
Isang opisyal ng Commission on Election ang umamin kahapon na hindi maiiwasan ang vote-buying sa nalalapit na nasyunal at lokal na eleksyon sa Mayo 14.
Sa isang forum sa ABS-CBN-News Channel 21, sinabi ni Comelec Commissioner Resurrecion Borra na talagang hindi maiiwasan ang vote-buying sa eleksyon dahil may tumatanggap na botante at mayroong namumuhunan na kandidato.
Sinabi ni Borra na maaaring maganap pa rin ang vote buying ngunit itoy palihim at madalas namang isinasagawa ng mga kaalyado ng mga kandidato tuwing panahon ng halalan. Aniyay inaasahan na din ito ng mga botante tuwing may nagaganap na eleksyon. Hindi anya maawat ang ganitong aktibidad dahil walang nagrereklamo at walang nahuhuli kahit na itoy lantarang nakikita.
Sinabi din ni Borra na sa vote-buying, mayroong dalawang tao na sangkot- ang nagbigay ng pera sa botante at ang pulitikong nagpaabot nito. Dito kumikita ang mga botante ng P200 hanggang P500 mula sa mga nagpapaabot na tauhan ng kandidato.
Kasabay nito ay ipinahayag din ni Damaso Magbual, chairman ng National Capital Region-National Movement for Free Election (NCR-NAMFREL) na hanggang hinahayaan ng mamamayan na mamayani ang ganitong hakbangin ay hindi makakaahon ang ekonomiya.
Inihalimbawa ni Magbual na sa halalan sa Laguna noong 1995, may 215 boto sa isang munisipyo pero pagdating sa provincial tally ay naging 12,015.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naitalang kandidato o pulitikong nakasuhan hinggil sa vote-buying. Kung magkakaroon man, itoy makakasuhan ng kasong kriminal. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest