Karina David, itinalaga sa CSC

Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si dating housing czar Karina David bilang chairperson ng Civil Service Commission.

Papalitan ni David si Corazon Alma de Leon na nagtapos na ng panunungkulan sa CSC.

Dating nanungkulan si David bilang tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council noong panahon ng administrasyong Estrada. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments