Pinay DH na lusot sa bitay, lumabong makalaya
February 22, 2001 | 12:00am
Nanatili sa bilangguan sa United Arab Emirates sa halip na makalaya at makauwi sa Pilipinas ang Pilipinang domestic helper na si Mary Jane Ramos kahit inabsuwelto na siya ng korte noong Enero sa kasong pagpatay sa amo niyang si Mohammed Al Shamsi na nagtangka umanong gumahasa sa kanya sa naturang bansa.
Sinasabi sa ulat na nakarating kahapon sa Department of Foreign Affairs na naudlot ang paglaya ni Ramos na tubong-San Agustin, Isabela dahil umapela ang biyuda ni Shamsi na si Fatima Regina na isa ring Pilipina at naggigiit na dapat patawan ng parusang bitay ang una.
Nabatid na nagtungo rito sa Pilipinas si Fatima Regina para ilakad ang kanyang apela at nakabalik na ito ngayon sa UAE. Inaasahang kokontakin siya ng DFA para hingin ang kanyang konsiderasyon para kay Ramos.
May dalawang taon nang nakakulong ang 20 anyos na si Ramos sa Mamoorah Central Jail sa Ras Al Khailmah dahil sa pagsaksak at pagpatay niya sa biktima na nagtangka umanong gumahasa sa kanya noong Enero 21, 1999.
Noong nakaraang buwan, idineklara ng criminal court ng Ras Al Khailmah sa Abu Dhabi na hindi "guilty" si Ramos dahil nagtanggol lang siya sa kanyang sarili.
Inihanda naman ng DFA ang pagpapabalik kay Ramos sa Pilipinas pero nabalik siya sa kulungan dahil sa apela ni Fatima Regina. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended