Golez, hinirang na National Security Adviser
February 21, 2001 | 12:00am
Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo si Parañaque Congressman Roilo Golez bilang bagong National Security Adviser.
Sinabi ni Arroyo sa isang pulong-balitaan sa Malacañang na may kakayahan si Golez bilang tagapayong panseguridad dahil siyam na taon itong nangulo sa public order and security committee ng House of Representatives at tapos ito sa Naval Academy sa Annapolis sa United States.
Hinirang din ng Pangulo si Dr. Manuel Dayrit bilang kalihim ng Department of Health.
Tinanggap din ng Pangulo ang pagbibitiw ni Science Secretary Filemon Uriarte na napaulat na inirereklamo ng mga empleyado ng departamento nito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest