Sa kabila ng pagkakatukoy sa mga salarin, tumanggi si Mendoza na tukuyin kung sinu-sino at ilan ang mga suspek upang hindi madiskaril ang isinasagawang dragnet operation ng mga operatiba ng pulisya.
Kasabay nito, tiniyak ni Mendoza na sa oras na madakip at maikulong ang mga salarin ay agad ang mga itong sasampahan ng kasong murder.
Nang tanungin naman kung aarestuhin ang mga suspek na walang warrant of arrest, sinabi ni Mendoza na hindi ito magko-constitute ng illegal arrest.
"Wala namang magiging problema. Ang importante sa ngayon ay madakip natin sila," sambit pa ng PNP chief.
Magugunita na inihayag ng PNP sa pamamagitan ng binuong Task Force Popoy na nakilala na ang dalawa sa apat na suspek sa pagpaslang kay Ka Popoy sa loob ng UP Campus sa Diliman, Quezon City noong nakalipas na Pebrero 6. (Ulat ni Joy Cantos)