^

Bansa

Dragnet operations sa Popoy killer inutos

-
Inutos kahapon ni acting Philippine National Police (PNP) chief Deputy Director General Leandro Mendoza ang malawakang manhunt operations laban sa mga natukoy na killers ni labor leader Felimon "Ka Popoy" Lagman.

Sa kabila ng pagkakatukoy sa mga salarin, tumanggi si Mendoza na tukuyin kung sinu-sino at ilan ang mga suspek upang hindi madiskaril ang isinasagawang dragnet operation ng mga operatiba ng pulisya.

Kasabay nito, tiniyak ni Mendoza na sa oras na madakip at maikulong ang mga salarin ay agad ang mga itong sasampahan ng kasong murder.

Nang tanungin naman kung aarestuhin ang mga suspek na walang warrant of arrest, sinabi ni Mendoza na hindi ito magko-constitute ng illegal arrest.

"Wala namang magiging problema. Ang importante sa ngayon ay madakip natin sila," sambit pa ng PNP chief.

Magugunita na inihayag ng PNP sa pamamagitan ng binuong Task Force Popoy na nakilala na ang dalawa sa apat na suspek sa pagpaslang kay Ka Popoy sa loob ng UP Campus sa Diliman, Quezon City noong nakalipas na Pebrero 6. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DILIMAN

FELIMON

JOY CANTOS

KA POPOY

MENDOZA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

TASK FORCE POPOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with