2 senatorial bet pinasisibak ni Orly

Hiniling ng kandidatong senador na si dating Defense Secretary Orlando Mercado sa Commission on Elections na ideklarang nuisance candidate ang dalawa sa mga kalaban niya sa halalan na halos kapangalan at kaapelyido niya.

Sa kanyang petisyon sa Comelec noong Sabado, hiningi niya na idiskuwalipika ang mga kandidatong senador na sina Orlando Abitona at Norberto Mercado para matukoy ng mga botante sa halalan sa Mayo kung sino ang tunay na Orlando Mercado.

Malilito anya ang botante sa naturang mga kandidato dahil baka mapunta sa mga ito ang kaukulan niyang boto. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments