Sinabi kahapon ni Comelec Commissioner Resurreccion Borra na makikipagpulong sila sa mga kinatawan ng Globe, Smart at iba pang cellphone companies at internet service provider para hingan sila ng pahayag kaugnay ng panukalang kontrolin ang pangangampanya sa text messaging at internet.
"Iimbitahan ang lahat ng sangkot sa teknolohiyang ito para maipaalam sa kanila na meron nang panukalang regulasyon," sabi ni Borra.
Napag-usapan ang pagkontrol ng kampanya sa text at internet sa unang special session ng mga miyembro ng Comelec sa ilalim ng bago nitong tagapangulong si Alfredo Benipayo.
Ipinaliwanag ni Borra na maaaring magkaroon ng hurisdiksyon ang Comelec sa text at internet kung nagagamit ito para wasakin ang isang kandidato. (Ulat ni Pia Lee-Brago)