^

Bansa

Text at internet pakikialaman ng Comelec sa halalan

-
Nais na ring pakialaman at kontrolin ng Commission on Elections ang pangangampanya ng mga kandidato sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 14 sa pamamagitan ng text messaging sa cellular phone at internet.

Sinabi kahapon ni Comelec Commissioner Resurreccion Borra na makikipagpulong sila sa mga kinatawan ng Globe, Smart at iba pang cellphone companies at internet service provider para hingan sila ng pahayag kaugnay ng panukalang kontrolin ang pangangampanya sa text messaging at internet.

"Iimbitahan ang lahat ng sangkot sa teknolohiyang ito para maipaalam sa kanila na meron nang panukalang regulasyon," sabi ni Borra.

Napag-usapan ang pagkontrol ng kampanya sa text at internet sa unang special session ng mga miyembro ng Comelec sa ilalim ng bago nitong tagapangulong si Alfredo Benipayo.

Ipinaliwanag ni Borra na maaaring magkaroon ng hurisdiksyon ang Comelec sa text at internet kung nagagamit ito para wasakin ang isang kandidato. (Ulat ni Pia Lee-Brago)

ALFREDO BENIPAYO

BORRA

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RESURRECCION BORRA

IIMBITAHAN

IPINALIWANAG

NAPAG

PIA LEE-BRAGO

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with