Kaso ni Bong Pineda inihahanda ng PNP

Inihahanda na ng pulisya ang mga kaso laban sa umano’y big-time na jueteng lord na si Rodolfo "Bong" Pineda para madiin ito sa operasyon ng iligal na sugal sa Central Luzon at karatig na mga lalawigan. Sinabi kahapon ni Acting Philippine National Police Chief Deputy Director General Leandro Mendoza na gagamitin nilang ebidensya laban kay Pineda ang mga ebidensyang nakalap sa panahon ng naudlot na paglilitis ng Senado sa kasong impeachment laban kay dating Pangulong Joseph Estrada. (Ulat ni Christina M. Mendez)

Show comments