^

Bansa

Katayuan ni GMA linawin daw

-
Sinabi kahapon ng isang kandidatong senador na si Atty. Oliver Lozano na dapat na lang linawin ng Supreme Court ang tunay na katayuan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang manumpa ito bilang ika-14 na presidente ng bansa sa harap ni Chief Justice Hilario Davide Jr..

Nilinaw ni Arroyo na nais lang niyang ituwid ang pananaw ng sambayanan ukol dito at hindi niya nais na guluhin ang administrasyon.

Malakas naman ang kumpiyansa ni dating Speaker Manuel Villar Jr. na papabor sa taumbayan ang magiging hatol ng 13 mahistrado ng Supreme Court sa petisyon ni dating Pangulong Joseph Estrada na kumukuwestyon sa legalidad ng panunungkulan ni Arroyo.

Sinabi ni Villar na kitang-kita sa pangalawang people power revolution na "guilty" ang hatol ng taumbayan kay Estrada kaya walang dahilan para hindi ito sang-ayunan ng Mataas na Hukuman. (Ulat nina Rudy Andal at Marilou Rongalerios)

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

HUKUMAN

MARILOU RONGALERIOS

OLIVER LOZANO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RUDY ANDAL

SINABI

SPEAKER MANUEL VILLAR JR.

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with