^

Bansa

15 Pinoy nakalinya sa parusang bitay sa Saudi

-
Kasalukuyang nakalinya sa parusang kamatayan ang may 15 overseas Filipino worker sa Saudi Arabia, ayon sa legal counsel ng Department of Foreign Affairs na si Atty. Gil Salceda.

Sinabi ni Salceda na kabilang sa mga OFW ang 14 anyos na domestic helper at nag-iisang babae na si Sarah Dematira na nakapatay umano ng amo nitong babae sa Riyadh.

Kasama rin sa mabibitay ang anim na Pilipino na nasentensyahang mapugutan dahil sa pagpatay sa isang labanderong Pilipino na si Jaime dela Cruz sa Taif sa naturang bansa.

Pinuna ni Salceda ang umano’y kabagalan ng mga awtoridad ng Saudi sa proseso ng mga bilanggo at ang pagtanggi nitong magbigay ng kaukulang mga impormasyon.

Nakakaugalian anya ng mga awtoridad sa Saudi na biglang magpalabas ng listahan ng mga bibitaying Pilipino nang walang paunang pasabi para maibalita sa kanilang pamilya sa Pilipinas. (Ulat ni Rose Tamayo)

CRUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GIL SALCEDA

JAIME

KASALUKUYANG

KASAMA

PILIPINO

ROSE TAMAYO

SALCEDA

SARAH DEMATIRA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with