^

Bansa

'GMA nagsinungaling' - Saguisag

-
Tahasang sinabi ng abogado ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Atty. Rene Saguisag na sinungaling umano si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang sabihin nitong hindi ito sumulat sa Supreme Court para panumpain ang bise presidente bilang ika-14 na Pangulo ng bansa.

Ginawa ni Saguisag ang pahayag sa pagdinig kahapon ng Supreme Court sa petisyon ni Estrada na kumukuwestyon sa legalidad ng panunungkulan ni Arroyo sa puwesto.

Sa naturang pagdinig, kinumpirma ni Justice Secretary Hernando Perez na hiniling ni Arroyo sa pamamagitan ng isang sulat sa Supreme Court na panumpain siya bilang pangulo ng bansa at ideklarang wala nang kakayahan si Estrada para mamuno.

Ikinatwiran pa ni Arroyo na dapat lang ideklarang permanente na walang kakayahan si Estrada dahil nawalan na ito ng suporta ng maraming miyembro ng Gabinete nito at ng militar at pulisya.

Kumuwestyon sa naturang argumento si Associate Justice Vicente Mendoza na nagsabing hindi ito matibay na basihan para ideklarang wala nang kakayahan si Estrada sa pagpapatakbo sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Saguisag na nagsinungaling si Arroyo sa sambayanan sa pagsasabing hindi ito nakipag-ugnayan o lumiham sa Mataas na Hukuman bago ito nanumpa noong Enero 20 sa EDSA Shrine.

Nag-inhibit sa pagdinig sa naturang kaso sina Chief Justice Hilario Davide at Associate Justice Artemio Panganiban para pagbigyan ang kahilingan ni Saguisag bagaman iginiit nila na walang basihan ang akusasyon nito na magiging bias sila.

Itinalaga ni Davide bilang presiding officer si Associate Justice Josue Bellosillo.

Sinabi naman ni Perez sa pagdinig na ang biglaang pag-upo ni Arroyo sa tungkulin ang nakapigil sa isang tangkang kudeta na, rito, isang military junta ang mamumuno sa bansa at magsisilbing simbolong lider lang si Estrada.

Iginiit naman ni Saguisag na hindi naghahain si Estrada ng resignation letter. Nakabakasyon lang anya ang kanyang kliyente at acting president lang si Arroyo.

Samantala, nagbantay ang mga pulis sa labas ng gusali ng Mataas na Hukuman para maiwasan ang karahasan dahil muling nag-rally at nagtagpo rito ang mga grupong pumapabor at tumututol kay Estrada.

Binuwag kinalaunan ng mga pulis ang rally ng mga pro-Estrada. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ARROYO

ASSOCIATE JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

ASSOCIATE JUSTICE JOSUE BELLOSILLO

ASSOCIATE JUSTICE VICENTE MENDOZA

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

ESTRADA

GRACE AMARGO

HUKUMAN

SAGUISAG

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with