Nagsisimula na naman anya ang naturang mga krimen dahil sa gastusin sa kampanya ng mga pulitiko sa halalan. Hiningi niya sa pulisya na imbestigahan ito.
Nangangamba rin si Flavier na baka maituring siyang nuisance candidate at madiskuwalipika ng Commission on Elections kung igigiit nito na dapat merong P175 milyong campaign fund ang isang kandidato. Wala siyang ganitong halaga pero hindi ibig sabihin na nuisance candidate siya. (Ulat ni Doris Franche)