Ito ang nabatid kahapon kay Metro Manila Police Director C/Supt. Edgar Aglipay bagaman tumanggi siyang banggitin ang pangalan ng mga suspek dahil patuloy pa ang kanilang imbestigasyon.
Sinabi pa ni Aglipay na naging masaya si dating Albay Congressman Edcel Lagman, kapatid ng biktima, sa impormasyong ibinigay nila rito.
Sinabi ni Aglipay na natukoy nila ang pagkakakilanlan sa mga suspek dahil sa tulong ng ilang saksi na nagbigay ng kani-kanilang testimonya.
Binanggit pa ni Aglipay na mga professional killer ang mga suspek.
Nabatid din na hihinto sa pagtatrabaho ang libo-libong miyembro ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa Lunes para ipakita ang kanilang protesta laban sa pagkakapaslang kay Lagman noong Pebrero 6.
Pinabulaanan din ni Aglipay ang naglabasang ulat na isang kandidatong senador ang hinihinalang utak sa krimen.
Hininala ring may kaugnayan din sa imbestigasyon sa pagpaslang kay Lagman ang pagtungo ng special envoy ng pamahalaan na si Cesar Bautista sa The Netherlands na kinaroroonan ng mga lider ng National Democratic Front na dating kinabilangan ng biktima. (Ulat nina Joy Cantos, Jhay Mejias, Danilo Garcia at Rose Tamayo)