Ipinayo din niyang huwag iboto ang mga kandidatong magpapakita ng mga baril at maton dahil sa katiyakang hindi rin maganda ang layunin ng mga ito kapag nanalo.
Sinabi pa niya na ang mga kandidatong mamimigay ng pera ay lantaran umanong magnanakaw sa puwesto sa sandaling maluklok sa puwesto para mabawi ang kanyang ipinuhunan sa halalan. (Ulat ni Doris Franche)