Sinabi ni Villar na, sakaling mapatunayang bunga ng "nakaw na yaman" ang naturang mga mansion, dapat na agad itong ipagbili gaya ng ginawa sa mga mamahaling sasakyan ng mga opisyal ng pamahalaan.
Binigyan naman ni National Bureau of Investigation Director Reynaldo Wycoco ng hanggang linggong ito ang kanyang mga tauhan para tapusin ang imbestigasyon sa mga mansion. (Ulat nina Marilou Rongalerios at Ellen Fernando)