Gayunman, sinabi ni Punongbayan na walang mali kung gagawing tambakan ng mga basura ng Metro Manila ang mga lugar na tinatabunan ng lahar sa paligid ng bulkang Pinatubo.
Sinabi pa ni Punongbayan sa isang panayam na posibleng gawing tambakan ng mga basura ang Manila Bay na magsisilbi rin bilang reclamation project.
Pero idiniin ni Punongbayan na dapat pag-aralang mabuti ang mga kinakailangang engineering measures para maiwasan ang tinatawag na leacheate sa Manila Bay. Makakatipid din anya sa gastos sa transportasyon kung sa look itatapon ang mga basura.
Idiniin niya na magiging lalong mataba rin ang mga lugar na tinabunan ng lahar kung gagamitin itong tambakan ng basura. (Ulat ni Ding Cervantes)