"Tsismis lang (ang narinig ko hinggil kay Guia Gomez)," sabi ni Demetriou sa isang panayam sa telepono.
Sinabi ni Demetriou na wala siyang ebidensya na nagsasangkot sa kanya (Gomez) o kay President Estrada sa napaulat na anomalya sa computerization program ng Commission on Elections.
Pinabulaanan din niya na pinamumunuan niya ang mga empleyado ng Comelec sa pagsasagawa ng kilos-protesta laban sa mga komisyuner na sina Luzviminda Tancangco, Ralph Lantion, Mehol Sadain at Rufufino Javier.
Isang task force naman ang binuo kahapon ng Department of Justice sa mga ebidensyang isusumite sa DOJ ni Demetriou kaugnay ng iregularidad sa pagbili ng mga makina para sa halalan. (Ulat nina Sandy Araneta, Jhay Mejias at Grace Amargo)