^

Bansa

Demetrio wala raw ebidensya laban kay Guia

-
Nilinaw kahapon ni dating Commission on Elections Chairman Harriet Demetriou na wala siyang ebidensya laban sa isang kalaguyo ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Guia Gomez.

"Tsismis lang (ang narinig ko hinggil kay Guia Gomez)," sabi ni Demetriou sa isang panayam sa telepono.

Sinabi ni Demetriou na wala siyang ebidensya na nagsasangkot sa kanya (Gomez) o kay President Estrada sa napaulat na anomalya sa computerization program ng Commission on Elections.

Pinabulaanan din niya na pinamumunuan niya ang mga empleyado ng Comelec sa pagsasagawa ng kilos-protesta laban sa mga komisyuner na sina Luzviminda Tancangco, Ralph Lantion, Mehol Sadain at Rufufino Javier.

Isang task force naman ang binuo kahapon ng Department of Justice sa mga ebidensyang isusumite sa DOJ ni Demetriou kaugnay ng iregularidad sa pagbili ng mga makina para sa halalan. (Ulat nina Sandy Araneta, Jhay Mejias at Grace Amargo)

DEMETRIOU

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELECTIONS CHAIRMAN HARRIET DEMETRIOU

GRACE AMARGO

GUIA GOMEZ

JHAY MEJIAS

LUZVIMINDA TANCANGCO

MEHOL SADAIN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PRESIDENT ESTRADA

RALPH LANTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with