Natagpuang bangkay sa Bukidnon di si Dacer - PNP/DOJ
February 5, 2001 | 12:00am
Pinabulaanan kahapon ng pulisya at ng Department of Justice na ang nawawalang public relations man na si Salvador "Bubby" Dacer ang natagpuang bangkay ng lalaki sa Malaybalay, Bukidnon.
Sinabi ni PO2 Noel Salvacion ng Malaybalay Police Station na, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas12:45 ng tanghali, pawang negatibo ang ulat na natatanggap nila hinggil kay Dacer.
Wala anyang bangkay na natagpuan sa Malaybalay bagaman may nakitang isa sa Manolo Fortich sa naturang lalawigan. "Pero hindi ito si Dacer," sabi pa ni Salvacion.
Sinabi ni Salvacion na binaha sila kahapon ng mga tawag sa telepono mula sa Maynila na nagtatanong hinggil sa natagpuang bangkay. Nakuha umano ang naturang impormasyon sa mga text messaging.
Nagulantang din ang mga residente ng Malaybalay sa kumalat na balita na natagpuan sa kanilang lugar ang bangkay ni Dacer na dating public relation officer ni dating Pangulong Fidel Ramos.
"Hindi totoo yan. Walang katotohanan yan," sabi rin ni Justice Secretary Hernando Perez sa isang panayam.
Sinabi ni Perez na posibleng buhay pa si Dacer na naunang napaulat na nawala noong Nobyembre 2000. (Ulat nina Jhay Mejias at Liberty Dones)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended