^

Bansa

Mansion ni Erap babawiin

-
Sinabi kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez na babawiin din ng pamahalaan ang mga maluluhong mansion ni dating Pangulong Joseph Estrada na karamihan ay tinirhan ng ilan nitong kalaguyo.

Sa isang pulong-balitaan sa Malacañang, sinabi ni Perez na kasalukuyan silang nangangalap ng dagdag na ebidensya para iharap sa Ombudsman laban sa dating Pangulo.

Sinabi ni Perez na ang naturang mga mansion ay kabilang sa mga nakaw umanong yaman ni Estrada na babawiin ng pamahalaan. Kasama rin dito ang mga salapi ni Estrada na nakadeposito sa banko.

Nagpahayag din si Perez ng paniniwala na kuwalipikado si Charlie "Atong" Ang para tumestigo laban kay Estrada. Samantala, sinabi kahapon ni National Bureau of Investigation Deputy Director Carlos Caabay na maipagpapatuloy na nila ngayon nang walang sagabal, pressure at takot mula sa "itaas" ang imbestigasyon sa mga mansion ng mga kalaguyo ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Inamin ni Caabay na, noong nasa kapangyarihan pa si Estrada, ginipit sila ng dating administrasyon para malinis sa naturang usapin si Estrada. (Ulat nina Ely Saludar at Ellen Fernando)

vuukle comment

ATONG

CAABAY

ELLEN FERNANDO

ELY SALUDAR

ESTRADA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION DEPUTY DIRECTOR CARLOS CAABAY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEREZ

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with