^

Bansa

Loren, suportado sa vice presidency

-
Sinuportahan ng iba’t ibang maimpluwensiyang grupo na kinabibilangan ng kababaihan, kabataan, non-government organizations, organisadong sektor at sibilyan si Sen. Loren Legarda-Leviste para sa bakanteng posisyon ng bise-presidente sa gitna ng mainit na labanan sa pagitan ng dalawang kampo para sa parehong posisyon.

Ayon sa grupo, ang rivalry sa pagitan nina Senators Franklin Drilon na suportado ni dating Pangulong Aquino at Teofisto Guingona na sinusuportahan naman ng Lakas-NUCD ay nagdudulot ng pagkakahati sa partido.

"To preserve party unity of the Lakas-NUCD, considering elections are just around the corner, the only way to do this is to appoint a darkhorse, acceptable both to the party and the people."

Sa pahayag na ito na ipinalabas ng Muslim leaders na kumakatawan sa pinakamalaking samahan ng mga Muslim sa bansa, inendorso nila si Legarda bilang vice presidential nominee ni Pangulong Arroyo.

Binanggit ng mga grupo ang "patriotism, intelligence, substance and style" at "most massive electoral support" kung saan nakakuha si Legarda ng maraming boto kumpara sa presidential candidate na si Joseph Estrada.

Si Loren na tubong Antique ay nauna nang inirekomenda ng kanyang mga kababayan, Southern Tagalogs at Metro Manilans dahil simbolo umano ang nasabing senadora ng pag-asa ng mga kabataang Filipino na bumuo ng majority ng EDSA People Power 2. (Ulat ng PSN Reportorial Team)

JOSEPH ESTRADA

LAKAS

LEGARDA

LOREN LEGARDA-LEVISTE

METRO MANILANS

PANGULONG AQUINO

PANGULONG ARROYO

PEOPLE POWER

REPORTORIAL TEAM

SI LOREN

SOUTHERN TAGALOGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with