Sinabi kahapon ni DOJ Secretary Hernando Perez na baka makalaya ang naturang mga bilanggo ngayong linggong ito kapag inaprub ng Pangulo ang kanilang rekomendasyon.
Gayunman, hindi ikinokonsidera ng DOJ ang pagpapalaya kina Donato Continente at Juanito Itaas na nakulong dahil sa pagpatay kay United States Army Colonel James Rowe. (Ulat ni Grace Amargo)