'Magkukudeta dudurugin ko' -GMA
January 31, 2001 | 12:00am
Binalaan kagabi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga kaalyado ni dating Pangulong Joseph Estrada na nagpaplano umano na pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang isinahimpapawid na mensahe sa buong bansa na nakahanda niyang durugin ang naturang grupo ni Estrada.
Hindi anya magtatagumpay ang sinumang nagbabalak manggulo o magsagawa ng destabilisasyon sa administrasyong Arroyo na magdadalawang linggo nang nanunungkulan.
Tiniyak ng Pangulo na bibiguin niya ang naturang mga kalaban ng estado dahil siya ay may sinumpaang tungkulin para pangalagaan ang sambayanan.
Iginiit niya na, batay sa Konstitusyon, siya mismo ang duly-constituted president ng republika. Tugon niya ito sa mga kumukuwestyon sa kanyang panunungkulan.
Samantala, tinanggal na ni Arroyo sa puwesto si Lisandro Abadia bilang national security adviser dahil sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa Retirement, Separation and Benefit System ng Armed Forces of the Philippines.
Inatasan din ni Arroyo ang Department of Interior and Local Government na imbestigahan ang mga reklamo laban kay Philippine National Police Chief Deputy Director General Leandro Mendoza. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest