$12-M nasabat sa NAIA
January 27, 2001 | 12:00am
May $12 milyong hinihinalang pag-aari ni dating Pangulong Joseph Estrada o ng kanyang mga cronies ang nasabat ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport nang tangkain itong ipuslit palabas ng Pilipinas kahapon ng hapon.
Sinasabi ng impormante sa NAIA na ang salapi ay nakapaloob sa mga duffle bags sa dalawang armored vehicle.
Kasalukuyang pinipigil ng mga awtoridad ang kargamento sa international cargo terminal habang inaalam kung meron itong kaukulang dokumento mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas para dalhin palabas ng bansa.
Nakipag-ugnayan si Acting Customs Commissioner Titus Villanueva at IEG Chief George Jereos sa mga kinatawan ng ibat ibang ahensya sa paliparan para matukoy ang may-ari ng salapi.
Nakatakda umanong isakay ang mga dolyar sa Cathay Pacific Flight No. CX 918 patungong United States via Hong Kong.
Nilalaman ng kargamento ang mga bank notes na nakapangalan sa Bank of America at Hong Kong Shanghai Bank.
Nabunyag ang pagkakasabat sa $12 milyon kasunod ng mga ulat na nailabas na umano ni Estrada patungo sa U.S. ang milyun-milyong dolyar na bahagi umano ng ill-gotten wealth.
Sinabi ng abogadong si Jose Calida ng Alliance to Follow Up Ill-Gotten Wealth na nakapagpuslit na umano si Estrada palabas ng bansa ng halos $20 milyon o mahigit pa sa pamamagitan ng air freight, Nagsimula umano noong Enero 23 ang pagpupuslit na isinilid sa mga berdeng kahon.
Sinabi ni Calida na hindi bank-to-bank ang transaksyon ng pagpupuslit ng mga dolyar kundi idinaan sa air cargo confined to Bank of America at kinukuha ng Brinx Inc., isang malaking kumpanyang nagbibiyahe ng mga ginto at dayuhang salapi. (Ulat nina Butch Quejada at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended