Utol ni Miriam sumuporta kay GMA
January 27, 2001 | 12:00am
Isang kapatid ng oposisyong si Senador Miriam Defensor-Santiago ang nagpahayag kahapon ng suporta kay Pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Benjamin P. Defensor sa isang pahayag na kinakatigan niya ang ligalidad ng pag-upo ni Arroyo sa kapangyarihan na alinsunod sa Konstitusyon at ibinigay dito ng people power revolution na nagpabagsak sa administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ginawa ni Defensor ang pahayag para pabulaanan ang mga tsismis na may mga nagpaplano ng kudeta para ibagsak ang bagong Pangulo at commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines.
Idiniin ni Defensor na walang puwersang makakagawa ng kudeta dahil nananatiling nagkakaisa, propesyonal at masunurin sa Konstitusyon ang AFP. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended