Rizal alyas ni Erap

Bukod sa Jose Velarde at Kelvin Garcia, humango rin si dating Pangulong Joseph Estrada mula sa mga pangalan ng pambansang bayaning si Jose Rizal at ng eroplano bilang alyas sa mga binuksan niyang bank account.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Makati Congressman Joker Arroyo na nagsabing isa sa mga hindi pa nabubusising lihim na bank account ni Estrada ang gumamit ng alyas na Jose Rizalisto Marcelo.

"Bakit kailangan pa niyang gamitin yung Rizalisto? Pati yun, hindi niya iginalang," puna ni Arroyo.

Sinabi pa ni Arroyo na ginamit din ni Estrada ang uri ng iba’t ibang eroplano sa paggamit ng mga alyas tulad ng account no. 747 at 737. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

Show comments