Grupo ni Cojuangco bibigyan ng poder
January 26, 2001 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mabibigyan ng puwesto sa pamahalaan tulad ng presidential assistant at papel sa usapang pakikipagkapayapaan sa mga rebelde ang mga miyembro ng Council on Philippine Affairs (COPA) na pinamumunuan ni dating Tar-lac Rep. Jose "Peping" Cojuangco.
Nilinaw ni Arroyo sa una niyang pulong-balitaan sa Malacañang na hindi pa tapos ang pagtatalaga ng mga bagong tao sa pamahalaan kaya hindi dapat magtampo sina Cojuangco.
Sa Ninoy Aquino International Airport, pinabulaanan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang ulat na may kinalaman siya sa pagtatalaga ng mga opisyal ng pamahalaang Arroyo.
Sinabi ni Ramos na maaaring hinirang ni Arroyo ang naturang mga opisyal batay sa kanilang kakayahan at integridad.
Nilinaw niya na wala siyang hiningi kay Arroyo na kapalit sa naging papel niya sa pangalawang people power revolution na nagpabagsak sa administrasyong Estrada.
Samantala, itinalaga ni Arroyo bilang Acting Press Secretary ang mamamahayag na si Noel Cabrera.
Tuluyan na ring nilisan kahapon ni Department of Foreign Affairs Secretary Domingo Siazon ang kanyang tanggapan na pinagsilbihan niya ng 37 taon.
Wala pang itinalaga si Arroyo na bagong kalihim ng DFA bagaman tumatayong acting secretary nito si Lauro Baja. (Ulat nina Ely Saludar, Lilia Tolentino, Butch Quejada, Omar Acosta at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am